Dahil Sayo

Dahil sayo
Ako’y natutong magsulat muli
Tungkol sa aking tuwa at paghanga
Na hindi masabi-sabi
Na hindi na kayang solohin
Ng aking nag-aalab na damdamin

Dahil sayo
Ako’y nagmumukhang tanga kangi-ngiti
tuwing ika’y nasa isip
parati nalang nakatulala
iniisip kung para tayo sa isa’t isa

Dahil sayo
Araw-araw akong bumabangon
Puno ng pag-asa at pagsinta
Dahil kahit anong hirap ng danasin
Ito’y napapawi agad sa isang sulyap
napapawi lahat ng iyong ngiti

Dahil sayo
Ang puso ko ay isang bihag
Isang presong napaka-saya
Nakakulong at nag-aabang
Naliligaya sa sentensyang ibigin ka

Dahil sayo
Ako’y natutuong manalig muli ng lubusan
Nagdarasal na isang araw
Iyong papansinin at gugustuhin
Ang aking pagsintang
busilak at sa iyo lamang

Dahil sayo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s