Nasaan na ba kasi yung putanginang pause button?

Nasaan na ba kasi yung putanginang pause button?
Pagod na pagod na pagod na ako.
Nakakapagog magkaroon ng hinanakit sa mundong
wala namang nakaka-alam kung anong mali
Tila ako lang yung may mali
Edi ako nalang yung mali

Hindi ko naman hiningi na matapos o mapadali man lang
ang laban na aking pinili magmula noon hanggang kahapon
Ang tanging hiling ko lang ay magpahinga
magkaroon ng pause button

Ang gusto ko lang naman ay tumigil ang mga kamay ng relo
para ako’y makahinga at makapag-isip nang diretso
hindi itong pabilis nang pabilis na umiikot ang kanyang mga kamay
walang humpay na umaandar walang konsiderasyon
sa naghihikahos na humabol na sarili kong may suot nito

Maari ba akong magmura kahit minsan lang
na putangina lang talaga
Makatarungan pa ba ito?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s