Tayo’y Magkalayo

Tayo’y magkalayo pero iniibig kita
Ako’y lumiligaya tuwing nasa isip ka
Ikaw ang liwanag sa aking kalumbayan
Ika’y isang biyaya mula sa maykapal

Tayo’y magkalayo pero sayo lamang
Nakaramdam nang ganito ang puso ko
Tuwang-tuwa na takot na takot dito
Dahil ayaw patinag ng damdamin ko

Tayo’y magkalayo pero pinagtagpo
Hindi ko na mapigilan ang aking
Pusong ikaw lamang ang hangad at
Ikaw lang ang lubos na minamahal

Tayo’y magkalayo kaya ako’y patawarin
Alam kong mahirap ang aking hiling
Pero ang gusto ko lang sana ay
Ang kasiyahan sa piling ng isa’t isa

Tayo’y magkalayo kaya maiintindihan ko
Kung maghahanap ka ng ibang ligaya
Mas importante sa akin kasiyahan mo
Hindi ko dadamdamin kung hindi ako yun

Sino ba Ako?

Ako lang naman yung anak
na hindi mo pinandigan
na iyong itinataboy
at itinuturing mong bagay

Ako lang naman yung bunga
ng isang gabi ng iyong libog
ng inyong paglilihim
at ng iyong kasinungalingan

Ako lang naman yung pagkakamali
na naging hangal na humingi
ng pag-aruga mula sa ama
na hindi mo kayang ibigay

Just another WordPress.com weblog