Category Archives: Uncategorized

Nilalamon na ako ng sistema

Nagtatrabaho ako ng anim na araw sa isang linggo. Nagbabayad ako ng buwis. Ang dami kong kinagagalit sa gobyerno, pero wala na akong oras maki-alam. Wala na akong oras magalit. Wala akong oras makibaka o ipahayag sa sistema ang galit ko. Pagod ako sa mga oras na ako’y wala sa opisina. Minsan wala na akong lakas maki-alam. Minsan ang sarap umupo nalang at panuorin ang mga nangyayari. Ano ba namang magagawa ng isang tao?
Nagtatrabaho ako para sa sistemang umaapi ng maralita, at ako’y masaya tuwing sumusweldo.

Wala na akong magawa. Nilamon na ako. Lecheng buhay to.

Advertisements

10:21

You’re not what I need right now.
I don’t want to hear your excuses
About why you screwed up for the nth time.
I’m tired of your promises,
The ones you make when you want to
Keep me in your leash, the same ones
you have an excuse for every time.

I may have loved you, but you’re almost forgotten.
Your words are as promising as they are empty.
Find another victim, for I have cut my leash.
I’m building a life without any trace of you.
You’re far away, and I guess that helps.

My Favorite Lie

My favorite lie was when you told me “I will.” It’s as if everything I wanted to hear comes after the words “I will.”
And this gave me hope, my favorite kind, the one only you could give me.
But I guess I should’ve known better than to hope that “I will” would become “I am.” And that is the worst part of it all. You made me believe in nothing but empty words and promises.
I thought you could be. You said you would be. But you never were.
You never were more than just a bunch of lies and promises. How your words never translated to actions cast doubt on everything I thought we had. One day, I finally saw the truth which set me from my expectations of us. I finally saw that you never giving me an answer was your answer.

Have I cried over you? Maybe I will.

3:17 pm

Alam ko namang mangyayari ito
Na hahanapin ko an mga yakap
at halik na sayo lamang galing
Inaalala ko pa rin ang ating
Huling pag-uusap na siyang
Napako sa aking puso.

Gusto kitang kamustahin at
magtanong tungkol sa iyong
mga kasiyahan at kalungkutan

Gusto kong marinig ang boses mo
at kahit sandali ay maramdaman
na may tayo pa rin.

Gusto kong maalala na ang ating
mga naramdaman ay mga totoong
Damdamin at pareho tayo nang
Nadama sa mga panahong magkapiling.

Alam ko namang mangyayari ito
Kaya binura ko na ang number mo
at lahat ng detalye tungkol sayo
Kasama ng mga ala-ala ko sa iyo.

Ngunit Nakita Kita

Pagod na pagod na akong lumaban
Para sa mga labang walang kahahantungan
Pagod na akong lumaban para sa laban
Na kailanman ay hindi matatapos
Pagod na ang isipan at diwa ko
Bugbog na ng mga pangakong napako,
Masasakit na salita, at mga karanasang
Nag-iiwan nang malalim na sugat.
Gusto ko nalang huminto, magpahinga,
At lumayo sa lahat ng sakit.

Ngunit nakita kita.
Nagtapat ang ating mga mata.
O, kay tagal kitang hinintay.
Ako’y nabuhayan muli.
Isipan ko ay natahimik.
Diwa at puso ay nagising.
Naalala ko kung bakit
Kailangan kong lumaban.
Dahil sayo, dahil sa akin,
Para sa atin at sa bukas natin.

Dahil sa Pagmamahal

**This poem is dedicated to mr. chocolate 🙂

Dahil sa pagmamahal,
Ako’y lumalakas
Ako’y tumatapang
Harapin ang bukas
Basta’t siguradong
Naghihintay ka.

Dahil sa pagmamahal,
Ako’y nakararamdam
Ng kaligayahang
Akin lamang ngunit
Hindi maitago sa aking
Mga ngiti at bungisngis.

Dahil sa pagmamahal,
Ako’y nasasarapan at
Naghahangad pang
Huwag muna lumisan
Sa aking mundong
Kinagisnan.

Dahil sa pagmamahal,
Tinahak ko ang lahat
At nilagpasan ang lahat
Nang nakaharang sa
Kaligayahan kong abot-
Kamay naman pala.